Mahigit 162, patay sa M5.6 lindol sa Indonesya

2022-11-22 17:05:51  CMG
Share with:


 


 

Isandaan’t animnapu’t dalawa (162) katao ang naitalang nasawi sa pagyanig na may lakas na magnitude 5.6, Nobyembre 21, 2022 sa lalawigang Kanlurang Java ng Indonesya.

 

Sa gitna ng mga aftershock, walang-patid ang operasyon ng mga rescue worker upang sagipin ang mga natabunan.

 

Ayon sa may-kaugnayang ahensya ng bansa, 25 katao ang pinaniniwalaang nasa ilalim pa rin ng mga guho.

 

Nasira ng lindol ang mahigit 2,200 bahay, at nawalan ang tirahan ang nasa 5,300 katao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio