Mensahe ng pagdadalamhati’t pakikiramay, inihayag ni Xi Jinping kaugnay ng lindol sa Indonesya

2022-11-23 12:21:59  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala Nobyembre 22, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Joko Widodo ng Indonesya bilang pagdadalamhati’t pakikiramay sa mga nasawi, nasugatan at apektado ng lindol na naganap sa lalawigang Kanlurang Java ng bansa.

 

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinahayag ni Xi ang pakikidalamhati sa mga biktima at taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anak at napinsala.

 

Naniniwala aniya siyang sa pamumuno ni Pangulong Widodo at pagpupunyagi ng pamahalaang Indones, mapagtatagumpayan ng mga apektadong mamamayan ang kalamidad at muli nilang maitatayo ang mga nasirang tahanan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio