Pangulo ng Mongolia, dadalaw sa Tsina: relasyong Sino-Mongol, isusulong sa mas mataas na lebel

2022-11-23 15:56:07  CMG
Share with:

Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, isasagawa ni Pangulong Ukhnaa Khurelsukh ng Mongolia ang dalaw-pang-estado sa Tsina, mula Nobyembre 27 hanggang 28.


Ito ang inanunsyo, Nobyembre 22, 2022 ng Ministring Panlabas ng Tsina.


Ayon kay Tagapagsalita Zhao Lijian ng naturang ministri, ito ang unang dalaw-pang-estado sa Tsina ni Khurelsukh bilang pangulo, at nagpapakita ng pagpapatuloy ng mapagkaibigang tradisyon ng de-kalibreng ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.


Ito rin aniya ay repleksyon ng mataas na lebel na pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partneship ng Tsina at Mongolia.


Nakahanda aniyang magsikap ang Tsina, kasama ng Mongolia, para ibayo pang mapalalim ang estratehikong mutuwal na pagtitiwalaan at praktikal na kooperasyon, upang makapaglatag ng mabuting halimbawa sa larangan ng mabuting pakikipamuhayan, at mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na lebel.

 

Ayon kay Zhao, idaraos nina Xi at Khurelsukh ang pag-uusap at magkasama rin nilang sasaksihan ang paglagda sa mga dokumentong pangkooperasyon.


Magpapalitan din aniya ng pananaw ang dalawang lider hinggil sa bilateral na relasyon, at internasyonal at rehiyonal na usaping mahalaga sa kapuwa panig, tungo sa magkasamang pagpaplano ng blueprint para sa pag-unlad ng relasyong Sino-Mongol sa hinaharap.


Salin: Kulas

Pulido: Rhio