Op-Ed: Pangarap ng Tsina—pangarap ng mga mamamayan, pangarap ng kapayapaan, at pangarap ng mundo

2022-11-23 14:38:32  CRI
Share with:


Idinaos Oktubre 27, 2022 ang pasinaya sa pagsisimula ng konstruksyon ng Davao City-Samal Island Connector Bridge, proyektong pangkooperasyon sa pagitan ng pamahalaang Pilipino at Tsino.

Sinabi rito ni Palangalawang Pangulong Sara Duterte, na sa loob ng isang daang taon, pangarap ng mga Dabawenyo na magkaroon ng nasabing tulay.


Aniya, mula nang manungkulan ang kanyang lolo bilang gobernador, nagsimula nang pag-usapan ang tungkol sa konstruksyon ng tulay na ito.


May pangarap ang bawat tao, bawat nasyon, at bawat bansa.


Tulad ng Pilipinas, mayroon ding pangarap ang Tsina – ang “Pangarap ng Tsina” o “Chinese Dream,” at ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagkakahayag nito.


Noong Nobyembre 29, 2012, iniharap at inilahad ni Pangulong Xi Jinping, sa unang pagkakataon ang Pangarap ng Tsina.


Ayon sa kanya, ang pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino ay pinakadakilang pangarap ng mga Tsino sapul nang magsimula ang modernong panahon.


Pero, ano ba ang “Pangarap ng Tsina,” at ano ang katuturan nito?


Unang, ang Pangarap ng Tsina ay pangarap ng mga mamamayan.

Ano ang hinahanap ng mga mamamayan?


Sa simpleng salita; pagkakaroon ng sariling bahay at disenteng trabaho, sapat na pagkain at maayos na damit, mabuting edukasyon, akses sa medisina tuwing magkakasakit, at seguro na may mag-aalaga sa pagtanda.


Ang pagtugon sa pangarap ng mga mamamayan sa magandang pamumuhay ang tunay at orihinal na aspirasyon ng Pangarap ng Tsina.


Ikalawa, ang Pangarap ng Tsina ay pangarap ng kapayapaan.

Nananalaytay sa dugo ng Nasyong Tsino ang gene ng kapayapaan at hindi pagsalakay sa iba.


Iginigiit ng mga mamamayang Tsino ang pagpapatupad ng “Pangarap ng Tsina” sa pamamagitan ng mapayapang pag-unlad.


Minsa’y sinabi ni Napoléon Bonaparte na “ang Tsina ay isang natutulog na leon. Kung gigising ang leong ito, manginginig ang mundo.”


Kaugnay nito, ipinahayag ni Pangulong Xi na “gumising na ang Tsina, ngunit ito ay isang mapayapa, mabait, at sibilisadong leon.”


Ang Pangarap ng Tsina ay pangarap ng paghahanap ng kapayapaan.


Parang isang malaking pamilya ang buong daigdig, at ayon sa tradisyonal na ideya ng Tsina ang “sa pamamagitan ng pagkakaisa, umuunlad ang isang pamilya.”


Ang isang mapayapang daigdig ay nakakabuti sa lahat ng miyembro ng malaking pamilya.


Ikatlo, ang Pangarap ng Tsina ay pangarap na nagbibigay ng benepisyo sa daigdig.

Ang pangarap ni Yuan Longping, yumaong “Ama ng Hybrid Rice” at akademisyan ng Chinese Academy of Engineering, ay magpahinga sa lilim ng sakahan ng palay.

Pangarap niyang maging sintaas ng sorghum ang palay sa subok-sakahan, maging singhaba ng walis-tingting ang mga tangkay ng palay, at maging sinlaki ng mani ang mga butil nito.


Di ba, ito rin ang pangarap ng mga Pilipino?


Sa kasalukuyan, lampas na sa 1 milyong ektarya ang saklaw ng taniman ng hybrid rice sa Pilipinas, bagay na nakakapagbigay ng aktuwal na benepisyo sa mga magsasakang Pilipino.

Sa kanyang pagdalo sa online dialogue sa pagitan ng mga estudyante ng Pilipinas, Tsina at iba pang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at mga taikonaut ng Shenzhou-14 na nasa kalawakan, ipinahayag ni Unang Ginang Liza Marcos na mahalaga ang pagsasagawa ng diyalogo sa pagitan ng mga estudyanteng Pilipino at taikonaut ng Shenzhou-14, dahil ito ay nagpapasigla ng interes ng mga batang Pilipino upang galugarin ang mga larangang may kinalaman sa kalawakan.

Ipinahayag naman ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, ang kahandaan ng kanyang bansa na ibahagi sa Pilipinas ang bungang natamo ng Tsina sa usapin ng kalawakan.


Umaasa aniya siyang tulad ng mga astronaut, matapang na aabutin ng mga kabataang Pilipino at Tsino ng kanilang mga pangarap, upang makatulong sa magkakasamang pagpupunyagi tungo sa pagkakamit ng pangarap sa kalawakan ng mga mamamayang Pilipino at Tsino, at buong sangkatauhan.


Samantala, kasunod ng paglakas ng puwersang pang-estado ng Tsina nitong ilang taong nakalipas, palagian nitong isinasabalikat ang mas maraming responsibilidad at obligasyong pandaigdig sa mga aspektong gaya ng pagpapasulong ng pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig, pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa pandemiya, pandaigdigang aksyong pamayapa, at pagbabawas ng karalitaan.

Bagama’t tayong mga tao ay may iba’t-ibang kultura, lahi, kulay ng balat, at sistemang panlipunan; magkakapareho ang ating pangarap sa kapayapaan at magandang pamumuhay.


Tulad ng dati, patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng iba’t-ibang bansa sa daigdig upang maisakatuparan ang mga pangarap na gaya ng “Pangarap ng Tsina” at “Pangarap ng Pilipinas.”


Salin: Lito

Pulido: Rhio / Jade