Ika-50 anibersaryo ng normalisasyon ng relasyong Sino-Congo, ipinagdiriwang

2022-11-24 15:52:15  CMG
Share with:

Ipinadala sa isa’t-isa ngayong araw, Nobyembre 24, 2022 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Félix Tshisekedi ng Democratic Republic of the Congo (DR Congo) ang mga mensahe bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng normalisasyon ng ugnayan ng dalawang bansa.

 

Tinukoy ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, mabunga ang pragmatikong kooperasyon ng Tsina at DR Congo, at nakinabang dito ang mga mamamayan ng kapuwa panig.

 

Kasama ni Pangulong Tshisekedi, nakahanda aniya siyang magsikap para mapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, at kooperasyon sa konstruksyon ng Belt and Road.

 

Ipinahayag naman ni Tshisekedi na nananatiling mainam at sustenable ang pag-unlad ng ugnayan ng dalawang bansa nitong 50 taong nakaraan.

 

Kasama ni Pangulong Xi, nakahanda rin aniya siyang palalimin ang pagkakaibigan ng mga mamamayang DR Congo at Tsino, at pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio