Matatag na pagbangon ng kabuhayan, ibayong isusulong ng Tsina

2022-11-24 12:04:30  CMG
Share with:

Sa pulong ng Konseho ng Estado na pinanguluhan, Nobyembre 22, 2022, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, hiniling niya sa iba’t-ibang departamento ng pamahalaan na mahigpit at patuloy na isakatuparan ang mga patakaran at hakbangin hanggang sa katapusan ng 2022 para isulong ang matatag na pagbangon ng pambansang kabuhayan.

 

Ayon sa pulong, buong sikap na pananatilihin ng Tsina ang katatagan ng presyo ng mga paninda, kalagayan ng empleyo at takbo ng pambansang kabuhayan.

 

Kaugnay naman ng mga hakbangin sa larangan ng pinansya’t pananalapi para sa konstruksyon ng mahahalaga’t malaking proyekto, sinabi ni Li na nananatiling malakas ang nakatagong puwersa sa pagpapasulong ng konsumo, pamumuhunan, at pag-unlad ng kabuhayan.

 

Kaugnay nito, hiniling niya sa mga pamahalaang lokal na lubos na isakatuparan ang naturang mga hakbangin.

 

Napagdesisyonan din sa pulong na kailangang pabilisin ng Tsina ang konstruksyon ng mahahalaga at malalaking proyekto, at pagpapataas sa antas ng manupaktura.

 

Maayos na isasakatuparan ng Tsina ang mga hakbangin para bawasan ang kahirapan sa sektor ng serbisyo, transportasyon, maliliit at pribadong bahay-kalakal, at pamumuhay ng mga Tsino, saad ni Li.

 

Upang maigarantiya ang maayos na pagsasakatuparan ng naturang mga hakbangin, ipapadala ng pamahalaang sentral ang mga working group sa iba’t-ibang lugar upang tumulong sa paglutas ng mga hamon sa proseso ng pagsasakatuparan ng mga ito.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio