Resulta ng halalang lokal ng rehiyong Taiwan, inilabas

2022-11-27 14:43:32  CRI
Share with:

Idinaos nitong Nobyembre 26, 2022 ang halalang lokal ng rehiyong Taiwan.


Ayon sa election affairs authority ng Taiwan, sa 21 chief posts ng mga bayan at lunsod, magkakahiwalay na nakuha ng Chinese Kuomintang Party, Democratic Progressive Party, Taiwan People’s Party, at independent candidates ang 13, 5, 1, at 2 luklukan.


Kaugnay nito, ipinahayag nitong Sabado gabi ni Zhu Fenglian, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Taiwan, na ang resultang ito ay nagpapakita ng pangunahing mithiin ng mga kababayang Taiwanes sa paghahanap ng kapayapaan, katatagan, at mabuting pamumuhay.


Patuloy aniyang magsisikap ang Chinese mainland kasama ng malawak na masa ng mga kababayang Taiwanes para magkakasamang mapasulong ang mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang, buong tinding tutulan ang separatistang puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan” at panghihimasok ng dayuhang puwersa, at magkakasamang makalikha ng magandang kinabukasan ng dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino.


Salin: Lito