Ipinahayag sa Teheran nitong Nobyembre 26, 2022 ni Ayatollah Seyyed Ali Khamenei, pinakamataas na lider ng Iran, na hindi malulutas ng talastasan ang problema sa pagitan ng Iran at Amerika.
Nang mabanggit nang araw ring iyon ang talastasan tungkol sa pagpapanumbalik ng pagpapatupad ng komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran, sinabi niya na tinanggihan sa talastasan ng Amerika ang pag-aalis ng ipinapataw na sangsyon laban sa Iran.
Matatandaang noong Hulyo ng 2015, narating ng Iran, Amerika, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina, at Alemanya ang kasunduan ng isyung nuklear ng Iran.
Noong Mayo ng 2018, unilateral na tumalikod ang Amerika sa kasunduang ito. Pagkatapos nito’y napanumbalik at idinagdag nito ang isang serye ng sangsyon laban sa Iran.
Mula noong Abril ng nagdaang taon, idinaos ng kaukulang panig ng nasabing kasunduan ang maraming beses na talastasan sa Vienna upang talakayin ang tungkol sa pagpapanumbalik ng pagpapatupad ng Amerika at Iran ng kasunduang ito. Indirekta itong nilahukan ng Amerika.
Salin: Lito