Survey ng CGTN: nananawagan ang mahigit 80% respondent na iwasan ang mas maraming pagkahawa ng corona virus

2022-11-27 14:47:38  CRI
Share with:

Patuloy hanggang ngayon ang pagkalat ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVOD-19) sa buong mundo, at lumampas na sa isang milyon ang bilang ng mga nasawi sa daigdig sa loob ng taong ito.


Ayon sa isang survey na isinagawa kamakailan ng China Global Television Network (CGTN), ikinababahala ng 60.44% respondent ang pangmalayuang negatibong epekto sa kalusugan ng sangkatauhan na dulot ng COVID-19.


Bukod pa riyan, mga 85.4% respondent ang nagpapalagay na dapat isagawa ang hakbangin para pigilan ang pagkahawa ng mas maraming tao ng corona virus.   


Salin: Lito