1.6 trilyong yuan na rebate sa buwis, inisyu ng Tsina sa mga kompanya ng pagluluwas

2022-11-28 15:44:23  CMG
Share with:


Cars ready to be exported at a dock in east China’s Jiangsu Province, November 26, 2022. /CFP


Ayon sa ulat, Nobyembre 27, 2022, pinabilis ngayong taon ng Pambansang Administrasyon ng Pagbubuwis ng Tsina ang proseso ng pagbibigay ng tax rebate sa pagluluwas, bilang suporta sa matatag na paglaki ng kalakalang panlabas.

 

Ayon sa datos ng nasabing administrasyon, umabot sa 1.64 trilyong yuan RMB (USD$228.67 bilyon) ang halaga ng export tax refund at eksemsyon sa buwis na iniproseso nito mula Enero 1 hanggang Nobyembre 10, 2022 - 14.9% na mas malaki kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

 

Bukod dito, palagian ding ino-optimisa ng nasabing tanggapan ang proseso ng pagbibigay ng tax rebate sa pagluluwas, na nagbigay-daan sa on-line na paraan ng pagpoproseso ng lahat ng aplikasyon, at nagpaikli ng oras ng pagpoproseso, simula ng taong ito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio