Vlog ni Sissi: Lakbay sa Yunnan-Matandang Kalye

2022-11-30 15:10:40  CRI
Share with:

Alam ba ninyo kung ano ang hitsura ng isang mariwasang lugar sa sinaunang Tsina?

 

Sa gawing sentro ng lunsod Kunming, probinsyang Yunnan, gawing timog-kanluran ng Tsina, makikita ang isang malaking lugar na tinatawag na "Matandang Kalye" o "Old Street".

 

Dito, matatagpuan ang matatandang estruktura na tulad ng: parmasyang may edad 100 anyos, tindahan ng meryenda na may edad 150 anyos, at tirahang may edad 200 anyos.

 

Unang itinayo ang mga gusali sa lugar ng Matandang Kalye mga 900 taon na ang nakalipas.

 

Bilang probinsyang nasa hanggahan ng Tsina at mga bansa ng Timog-silangang Asya, napaka-aktibo ng mga negosyo sa Matandang Kalye.

 

Noong unang panahon, ito ay residential area ng mayayamang negosyante, pero, magmula noong 1980s, ito ay naging lugar ng mga tindahan ng alahas, ibon, isda at bulaklak.

Sa ngayon, inilakip ang buong lugar sa protection area ng mga cultural relics, at popular na walking street.

 

Batong lansangan, puting pader at kulay abo na baldosa – ang paglalakad sa Old Street ay parang pagbalik sa sinaunang panahon.

 

Kung kayo ay napagod sa pamamasyal, puwedeng magpahinga sa Internet celebrity coffee shop sa Qianwang Street.

 

Dahil sa masarap na kape, katangi-tanging mga dekorasyon, at tahimik na atmospera, sumikat sa social media ng Tsina ang SanKouZu Café.

 

Ang gusaling ito ay isa raw dating tirahan ng isang negosyante ng hardware  noong 1920s, na may laking halos 300 square meters at may dalawang palapag.

 

Sa araw, ito ay coffee shop, samantalang sa gabi, ito naman ay bar kung saan ginaganap ang iba’t-ibang pagtatanghal.

 

Oh, paano? Hanggang dito na lamang ang ating pamamasyal sa Old Street.

 

Pulido: Rhio


Video Editor: Sissi