Iskor ng Amerika kontra Iran sa FIFA World Cup Qatar 2022, 1 – 0: manlalaro ng dalawang koponan, nagyakapan

2022-12-01 17:09:35  CMG
Share with:

Tinalo, Nobyembre 29, 2022 (local time) ng koponang Amerikano ang koponang Iranyo sa iskor na 1 – 0 sa Group B ng idinaraos na FIFA World Cup Qatar 2022.

Masayang ipinagdiwang ng mga manlalarong Amerikano ang kanilang pagpasok sa knockout stage mula sa group stage.

Luhaan man ang mga manlalarong Iranyo, niyakap sila ng mga manlalarong Amerikano matapos ang laro – simbolo ng diwa ng palakasan at pagkakaibigan.

Salin: Kulas

Pulido: Rhio