Proklamasyon Bilang 1, inilabas ng Komite sa Libing ni Kasamang Jiang Zemin

2022-12-01 12:24:18  CMG
Share with:

Inilabas Nobyembre 30, 2022 ng Komite sa Libing ni Kasamang Jiang Zemin ang Proklamasyon Bilang 1.

 

Ayon dito, mula sa paglabas ng proklamasyon hanggang sa pagdaraos ng memoryal para kay Kasamang Jiang, ilalagay sa half-mast ang mga pambansang watawat sa Tian'anmen Square, Xinhuamen, Great Hall of the People, Ministring Panlabas ng Tsina sa Beijing, mga Liaison Office ng Pamahalaang Sentral sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at Macao SAR, at mga pasuguan at konsulada ng Tsina sa ibang bansa.

 

Samantala, itatayo sa nasabing mga liaison office at mga pasuguan at konsuladang Tsino ang mga mourning hall, para tanggapin ang pakikidalamhati ng mga taga-Hong Kong, taga-Macao at kaibigang banyaga.

 

Ayon sa praktika ng Tsina, hindi aanyayahan ang mga pamahalaang banyaga, partido pulitikal, at personaheng kaibigan, na magpadala ng delegasyon o kinatawan sa Tsina para sa mga aktibidad ng pakikidalamhati.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio