Kaugnay ng nalalapit na pagbisita sa Tsina ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, ipinahayag Disyembre 1, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joseph Biden ng Amerika sa Bali, Indonesia noong nagdaang Nobyembre, sumang-ayon sila na pahigpitin ang pagpapalitan at pag-uugnayan, at pasulungin ang aktuwal na kooperasyon.
Kaugnay nito, sinabi ni Zhao, na palaging pinasusulong ng panig Tsino ang relasyong Sino-Amerikano batay sa tatlong prinsipyong iniharap ni Pangulong Xi.
Umaasa aniya siyang komprehensibong isasakatuparan ng panig Amerikano ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, para pasulungin ang pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa matatag at malusog na landas.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio