Proklamasyon Bilang 2, inilabas ng Komite sa Libing ni Kasamang Jiang Zemin

2022-12-02 12:43:17  CMG
Share with:

Inilabas Disyembre 1, 2022 ng Komite sa Libing ni Kasamang Jiang Zemin ang Proklamasyon Bilang 2, at ayon dito, idaraos alas-10 ng umaga, Disyembre 6, sa Great Hall of the People sa Beijing ang memoryal para kay Kasamang Jiang.

 

Ang naturang aktibidad ay live na isasahimpapawid.

 

Sa naturang petsa, ilalagay sa half-mast ang pambansang watawat ng Tsina sa lahat ng lugar ng bansa, mga pasuguan at konsulada, at mga organo ng Tsina sa ibayong dagat.

 

Bukod diyan, lahat ng panlibangang pampublikong aktibidad ay ititigil sa nasabing araw.

 

Sa memoryal, ia-alay ng lahat ng mamamayang Tsino ang tatlong minutong katahimikan bilang pagluluksa sa pagyao ni Kasamang Jiang.

 

Dagdag pa riyan, tatlong minuto ring patutunugin ang mga busina at sirena sa atakeng panghimpapawid bilang pagdadalamhati.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio