Lider ng mga bansa at pandaigdigang organisasyon, nakikidalamhati sa pagyao ni dating Pangulong Jiang Zemin ng Tsina

2022-12-02 12:40:25  CMG
Share with:

Magkakahiwalay na nagpahayag ng pakikidalamhati sa iba’t-ibang paraan, Disyembre 1, 2022, ang mga lider ng mga bansa at pandaigdigang organisasyon kaugnay ng pagyao ni dating Pangulong Jiang Zemin ng Tsina.

 

Ipinahayag ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anak ni Jiang at mga mamamayang Tsino.

 

Sinabi niyang ibinigay ni Jiang ang mahalagang ambag para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina, pinataas ang katayuan ng bansa sa daigdig, at isinulong ang progreso ng relasyong Ruso-Sino.

 

Sa ngalan ng United Nations (UN), ipinahayag ni António Guterres, Pangkahalatang Kalihim ng UN, ang pakikiramay sa pamilya ni Jiang, pamahalaan at mga mamamayang Tsino.

 

Sinabi niyang sa panahon ng pamumuno ni Jiang, natamo ng Tsina ang malaking progreso sa kabuhayan, at sumapi ang bansa sa World Trade Organization (WTO).

Kabilang sa mga lider ng iba pang mga bansa at organisasyong pandaigdig na nagpahayag ng pakikidalamhati ay sina Thongloun Sisoulith, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP) at Pangulong Lao; Pangulo Miguel Diaz-Canel Bermudez ng Cuba; Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei; Pangulong Halimah Yacob ng Singapore; Pangulong Ibrahim Mohamed Solih ng Maldives; Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazakhstan; Pangulong Emomali Rahmon ng Tajikistan; Pangulong Alexander Lukashenko ng Belarus; Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina; Pangulong Samia Suluhu Hassan ng Tanzania; Pangulong Daniel Ortega ng Nicaragua; Pangulong Nicolas Maduro ng Venezuela; Pangulong Milos Zeman ng Czech Republic; Punong Ministro Fumio Kishida ng Hapon; Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore; Punong Ministro Shahbaz Sharif ng Pakistan; Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya; at Presidente Charles Michel ng European Council.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio