Kaugnay ng pagpapalabas kamakailan ng Ministring Panlabas ng Tsina ng “Ulat ng Kooperasyong Sino-Arabe sa Makabagong Panahon,” ipinahayag nitong Disyembre 2 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong mahigit 70 taong nakalipas sapul nang maitatag ang bagong Tsina, nakuha ng mapagkaibigang kooperasyong Sino-Arabe ang historikal na progreso.
Ipinahayag niya na kasalukuyang nagdaranas ang situwasyong pandaigdig sa napakalaking pagbabago. Nahaharap aniya ang Tsina at mga bansang Arabe sa magkaparehong pagkakataon at hamon.
Sa mula’t mula pa’y itinuturing ng Tsina ang mga bansang Arabe bilang estratehikong katuwang sa buong tatag na pagtahak ng landas ng mapayapang pag-unlad, pagpapalakas ng pakikipagkooperasyon sa mga umuunlad na bansa, at pagpapasulong ng pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, ani Zhao.
Diin pa niya, nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap kasama ng mga bansang Arabe upang magkakasamang maitayo ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Arabe sa makabagong panahon, makapagbigay ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan, at magkakasamang mapasulong ang kapayapaan at kaunlarang pandaigdig.
Salin: Lito