Ayon sa ulat, ipinadala nitong Disyembre 1 (local time), 2022 ng tropang Amerikano ang 54 na oil-laden tankers sa baseng militar nito sa kahilagaan ng Iraq mula gawing hilagang silangang Syria.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Disyembre 2 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sinusubaybayan niya ang kaukulang balita. Sinabi aniya ng mga mamamayan ng Syria na pinagtitiisin sila sa Taglamig ng mga nagawa ng tropang Amerikano.
Tinukoy ni Zhao na ayon sa opisyal na estadistika ng Syria, mula noong 2011 hanggang unang hati ng kasalukuyang taon, ang ilegal na pagnanakaw ng tropang Amerikano ay nagdulot ng kapinsalaang nagkakahalaga ng mahigit isang daang bilyong dolyares sa Syria.
Diin pa niya, ang umano’y “regulasyon” ng panig Amerikano ay katuwiran lang para sa sariling kapakanan at pagpapanatili ng hegemonya nito.
Salin: Lito