Ika-8 grupo ng ekspertong medikal ng hukbong Tsino, dumating ng Vientiane

2022-12-03 13:28:33  CRI
Share with:

Dumating ng Vientiane, Laos nitong Disyembre 2, 2022 ang ika-8 grupo ng ekspertong medikal ng hukbong Tsino upang magbigay-tulong sa Lao People's Armed Forces (LPAF) sa loob ng darating na 6 na buwan.


Sa seremonya ng pagsasalubong, ipinahayag ng LPAF official na ang mga grupo ng ekspertong medikal na ipinapadala ng hukbong Tsino ay nagkakaloob ng sulong na kagamitang medikal at tulong na teknikal sa Laos, bagay na napapataas ng malaki ang episiyensiya at kakayahang medikal ng LPAF.


Aniya, ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Laos at Tsina ay komong magandang mithiin ng mga hukbo at mamamayan ng dalawang bansa. Bumati rin siya sa walang patid na pagpapalalim ng pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang hukbo.


Salin: Lito