China Documentary Festival, matagumpay na pinasinayaan sa UNESCO

2022-12-03 16:39:25  CRI
Share with:


Kasama ng pirmihang delegasyong Tsino sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), idinaos Sabado, Disyembre 3, 2022 sa punong himpilan ng UNESCO ng China Media Group (CMG) ang aktibidad na “China Documentary Festival” upang palaganapin ang ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan at istorya ng modernisasyong Tsino.


Ito ang unang pagkakataong nakapasok ang China Documentary Festival na dala ng mahigit 50 dokumentaryo sa pandaigdigang organisasyon.


Sa aktibidad, nakita sa kauna-unahang pagkakataon ang kompletong dokumentaryong “Human Carbon Footprint” na produksyon ng China Global Television Network (CGTN) ng CMG.

Nagsabi ito ng mga kawili-wiling kuwento ng mga mamamayang Tsino sa pagpapasulong ng berdeng pag-unlad at maharmoniyang pakikipamuhayan ng tao at kalikasan, bagay na nagpaliwanag ng lubos na pananabik ng Tsina sa pagsasakatuparan ng pag-unlad kasama ng buong daigdig.


Dumalo rito ang mahigit 400 personaheng kinabibilangan ng mga pirmihang sugo at diplomata ng iba’t-ibang bansa sa UNESCO, at panauhin mula sa iba’t-ibang sirkulo ng Pransya.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na ang pananabik sa pagtitiwalaan, pagkakaisa, at mapayapang pag-unlad ay komong mithiin ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa, pati ang orihinal na aspirasyon ng pagtataguyod ng CMG ng China Documentary Festival.

Noong Hunyo 21 ng kasalukuyang taon, pinasimulan sa Beijing ang unang China Documentary Festival na magkasanib na itinaguyod ng CMG at Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina.


Nitong 5 buwag nakalipas, aktibong lumalahok ang 102 media at organo mula sa 60 bansa sa nasabing aktibidad.


Tatagal sa katapusan ng taong ito ang China Documentary Festival, at sa susunod na taon, pasisimulan ng CGTN ng CMG ang bagong round ng aktibidad sa buong mundo.


Salin: Lito