Mula sa Jiuquan Satellite Launch Center sa hilagang kanluran ng Tsina, matagumpay na inilunsad Miyerkules, Disyembre 7, 2022 ang bagong solid-fuel carrier rocket ng bansa, na tinaguriang Kuaizhou 11 Y-2.
Dinala ng naturang rocket sa nakatakdang orbita ang VHF Data Exchange System (VDES) test satellite.
Gagamitin ang satellite, pangunahin na, para sa pagsubok sa komunikasyon at masususing teknolohiya ng VDES at automatic identification system (AIS).
Salin: Vera
Pulido: Rhio