Lebel ng pananaliksik sa pambansang kasaysayan ng Tsina, patataasin – Xi Jinping

2022-12-09 15:15:13  CMG
Share with:

Sa kanyang liham na pambati sa Ika-30 Anibersaryo ng Association of National History of the People's Republic of China (ANHPRC), tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ibinigay ng asosasyon ang positibong ambag sa pagpapasulong ng pananaliksik sa kasaysayan ng bagong Tsina at pag-unlad ng usapin ng edukasyon simula nang ito’y maitatag.

 

Inaasahan ni Xi na magtutuloy ang pagpapataas ng ANHPRC sa lebel ng pananaliksik sa pambansang kasaysayan ng Tsina, para ibigay ang bagong ambag sa komprehensibong pagtatatag ng modernong sosyalismong bansa at pagpapasulong ng dakilang pagbangon ng Nasyong Tsino.

 

Idinaos umaga ng Disyembre 8, 2022, sa Beijing, ang Komperensya ng Pagpapasulong ng Pananaliksik sa Kasaysayan ng Bagong Tsina at Pagdiriwang sa Ika-30 Anibersaryo ng Pagtatatag ng ANHPRC.

 

Binasa ni Li Shulei, Kagawad ng Kawanihang Pulitikal ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministro ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng CPC ang liham na pambati ni Xi.   

 

Itinatag noong Disyembre 1992, ang ANHPRC ay isang pambansang akademikong organisasyong panlipunan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio