Liham na pambati, ipinadala ng premyer Tsino sa bagong PM ng Sao Tome and Principe

2022-12-15 16:22:57  CMG
Share with:

Isang mensaheng pambati ang ipinadala kamakailan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Patrice Trovoada sa kanyang panunungkulan bilang punong ministro ng Sao Tome and Principe.

 

Ani Li, sapul nang mapanumbalik ang relasyong diplomatiko ng dalawang basna, ito’y naging malusog at maayos, at patuloy rin ang paglalim ng pagtitiwalaang pulitikal at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

 

Dahil dito, natamo aniya ang maraming bunga.

 

Ang mga bungang ito ay nagdulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng Tsina at Sao Tome and Principe, dagdag ni Li.

 

Kasama ng Sao Tome and Principe, nakahanda aniyang isulong ng Tsina ang bagong progreso sa relasyon ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio