Bagong remote sensing satellite ng Tsina, inilunsad sa kalawakan

2022-12-15 16:25:29  CMG
Share with:

 

Sakay ng Long March-2D carrier rocket, inilunsad sa kalawakan ngayong umaga, Disyembre 15, 2022 ang “Yaogan-36,” bagong remote sensing satellite ng Tsina.

 

Ayon sa pinakahuling ulat, matagumpay na nakapasok ang satellite sa itinakdang orbita.

 

Ito ang ika-455 misyon ng Long March carrier rocket.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio