Xi Jinping, nagtalumpati sa China-Latin America Entrepreneurs’ Summit

2022-12-15 16:24:16  CMG
Share with:

Sa kanyang nakasulat na talumpati, Disyembre 14, 2022 sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-15 China-Latin America Entrepreneurs’ Summit, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na patuloy na igigiit ng kanyang bansa ang patakaran ng pagbubukas sa labas, mutuwal na kapakinabangan, at globalisasyon ng kabuhayan.

 

Layon nito aniyang ipagkaloob ang bagong pagkakataon sa daigdig at maghatid ng pakinabang sa mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa na kinabibilangan ng mga bansang Latin America at Caribbean (LAC) sa pamamagitan ng pag-unlad ng Tsina.

 

Sapul nang maitayo ang nasabing summit, nitong 15 taong nakaraan, gumanap ito ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng kooperasyon ng Tsina at LAC, at pagpapalalim ng kultural na pagkakaunawaan, at pagpapalitang tao-sa-tao ng dalawang panig, dagdag ni Xi.

 

Aniya pa, ang relasyon ng Tsina at LAC ay nasa bagong panahon ng pagkakapantay-pantay, mutuwal na kapakinabangan, inobasyon, at pagbabahaginan ng kapakanan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio