Sa liham na ipinadala Disyembre 14, 2022 ng Ministring Panlabas ng Syria sa Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) at Presidente ng UN Security Council (UNSC), sinabi nitong USD$25.9 bilyon na direktang kapinsalaan ang idinulot ng tropang Amerikano at mga suportado nitong puwersa sa Syria.
Kabilang dito, USD$19.8 bilyon ang kapinsalaang dala ng mga ninakaw na langis, natural na gas, at mina, dagdag ng liham.
Anito pa, lampas din sa USD$86 bilyon ang indirektang kapinsalaang dulot ng pagbabawas ng produksyon ng langis, natural na gas, at mina.
Diin pa ng nasabing ministri, ang ipinapataw na sangsyong pangkabuhayan ng Amerika at Unyong Europeo (EU) ay nagdudulot ng “labis na nakapipinsalang epekto” sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Syriano.
Salin: Lito
Pulido: Rhio