Pagsasapulitika ng kampanya laban sa terorismo, mariing tinututulan ng Tsina

2022-12-16 11:02:41  CMG
Share with:

 

Sa bukas na pulong ng United Nations Security Council (UNSC) na pinamagatang “Isinasapanganib ng Terorismo ang Kapayapaan at Kaligtasang Pandaigdig,” ipinahayag Disyembre 15, 2022 ni Zhang Jun, pirmihang kinatawang Tsino sa UN, ang pagtutol sa pagsasapulitika at pagsasa-instrumento sa kampanya laban sa terorismo, tungo sa pagkiling at double standard.

 

Sinabi ni Zhang, na ang terorismo ay komong kaaway ng sangkatauhan, at kailangang ibayo pang palakasin ng komunidad ng daigdig ang pagkokoordinahan at pagtutulungan upang ito’y mabisang mabigyang-dagok at puspusang mapigilan ang pagkalat ng mga teroristikong puwersa.

 

Hinggil dito, palagian, lubos na pinahahalagahan, at aktibong lumalahok ang Tsina sa pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa terorismo, saad niya.

 

Ani Zhang, nakahandang magsikap ang panig Tsino, kasama ng iba’t-ibang panig upang maisakatuparan ang “Global Security Initiative” at “Global Development Initiative,” at walang patid na magbigay ng bagong ambag sa naturang pandaigdigang usapin.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio