Bakit isinagawa ng Tsina ang mahigpit na pagkontrol at pagpigil sa COVID-19 sa loob ng tatlong taon?

2022-12-16 10:50:25  CMG
Share with:

 

Noong nakaraang tatlong taong, isinagawa ng Tsina ang mahigpit na pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) para maka-agapay sa mabilis na pagbabago ng virus gaya ng Alpha, Beta, Gamma, Delta at Omicron.

Sa ngayon, ang panganib na hatid ng Omicron sa kalusugan ng mga tao ay mas mahina kumpara sa Delta, at dahil sa tatlong taong pagsisikap, malawak na tinanggap ng mga mamamayang Tsino ang bakuna.

 

Bukod diyan, malaking progreso sa pananaliksik sa gamot ng virus ang natamo rin ng Tsina sa loob ng nasabing panahon.

 

Ang mga ito ay mabisang nangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mga Tsino.

 

Ang susi sa matagumpay na pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ay mabilis na paghanap sa pinagmulan ng mga kumpirmadong kaso, at mabisang pagputol sa kadena ng pagkalat ng virus.

 

Mula nang sumiklab ang pandemiya, pinili ng Tsina ang paraang kakaiba sa mga kanluraning bansa, at kahit kinakaharap nito ang mga hamon at kahirapan, palagiang iginigiit ng bansa ang pagpapauna sa kaligtasan ng mga mamamayan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio