Sa kanyang nakasulat na talumpati Huwebes, Disyembre 15, 2022 sa EU-China CEO and Former Senior Officials' Dialogue, idiniin ni Liu He, Pangalawang Premyer ng Tsina, na ang kooperasyon sa pamumuhunan at kalakalan ay pinakamahigpit na hugpong ng Tsina at Unyong Europeo (EU).
Kasama ng EU, aktibo aniyang palalawakin ng Tsina ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, berdeng pag-unlad, pinansiya, didyital na pag-unlad’t teknolohiya; at magkasamang pangangalagaan ang multilateral na sistemang pangkalakalang ang nukleo ay World Trade Organization (WTO).
Saad pa ni Liu, ang Tsina at EU ay mahalagang puwersa sa pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig at malaking pamilihan sa pagpapasulong ng komong pag-unlad.
Bilang tugon sa kasalukuyang mga hamon na kinakaharap ng daigdig, mahalaga aniya ang pagpapasulong ng relasyon ng Tsina at EU.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio