Magkasamang pagharap sa mga hamong pandaigdig, ipinanawagan ni Xi Jinping

2022-12-16 07:12:42  CMG
Share with:

 

Sa kanyang nakasulat na talumpati, Disyembre 15, 2022, sa seremonya ng pagbubukas ng Ikalawang Yugto ng Ika-15 Conference of the Parties (COP15) to the United Nations Convention on Biological Diversity (UNCBD), nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan upang mabisang maharap ang mga hamong pandaigdig.

 

Aniya, kailangang magkakasamang magsikap ang komunidad ng daigdig upang maisulong ang maharmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan, at maitatag ang malinis at magandang mundo.

 

Hinggil dito, sinabi niyang aktibong pinasusulong ng Tsina ang konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal at pangangalaga sa ekolohikal na dibersidad.

 

Patuloy na pahihigpitin ng Tsina ang konstruksyong ekolohikal, palalalimin ang pagpapalitan at pagtutulungang pandaigdig, at ipagkakaloob ang tulong, sa abot ng makakaya, sa mga umuunlad na bansa, saad ni Xi.

 

Layon nito aniyang pasulungin sa bagong antas ang pangangasiwa sa ekolohikal na dibersidad ng daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio