Sa kanyang nakasulat na talumpati, Huwebes, Disyembre 15, 2022 sa Pulong Ministeryal ng Group of 77 (G77) at Tsina, inihayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng bansa, na bilang mahalagang multilateral na plataporma ng kooperasyon ng mga umuunlad na bansa, maaaring isabalikat ng G77 at Tsina ang mas maraming responsibilidad at saklawin ang mas malaking pagkakataon para harapin ang kasalukuyang panibagong kalagayang pandaigdig.
Apat na mungkahi ang inilahad ni Wang para rito, na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Una, patuloy na pagpi-priyoritisa sa pag-unlad ng pandaigdigang kooperasyon.
Ikalawa, pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayan na balanse, sustenable at may pagbibigyan.
Ikatlo, pagtatatag ng mas makatarungan at makatuwirang pangangasiwa sa kabuhayang pandaigdig.
Ikaapat, pagtitipon ng mga puwersang pandaigdig para isakatuparan ang modernisasyon.
Idiniin ni Wang na palagian at aktibong lumalahok ang Tsina sa usaping pangkaunlaran ng daigdig.
Sa tulong ng G77, aktibong isasakatuparan ng Tsina ang Global Development Initiative at 2030 Agenda for Sustainable Development, aniya pa.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio