Tanong: Kahit mahirap, bakit buong sikap pa ring nilabanan ng mga mamamayang Tsino ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19)?
Sagot: Ang pakikibaka laban sa COVID-19 ay para sa pagsasakatuparan ng mas mabuting kaunlaran.
Nitong 3 taong nakalipas, dumaan sa matinding pagsubok ang sistemang medikal ng Tsina dahil sa pandemiya COVID-19, subalit sa kabila nito, napatatag sa pinakamalaking digri ang pangkalahatang kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa.
Noong 2020, pansamantalang nakontrol ng Tsina ang pandemiya at napanumbalik ang produksyon.
Ito’y nagresulta sa paglaki ng kabuhayan ng bansa, at nagbunsod upang ang Tsina ay maging tanging pangunahing ekonomiya sa mundo na nagkaroon ng paglaki.
Noong 2021, umabot sa 114.4 trilyong yuan RMB ang kabuuang bolyum ng kabuhayang Tsino, at ito’y katumbas ng mahigit 18% ng kabuuang bolyum ng kabuhayang pandaigdig.
Bukod dito, patuloy na bumubuti ngayong taon ang pambansang kabuhayan ng Tsina, at nananatili ring matatag ang pangkalahatang kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa.
Kasunod ng optimisasyon kamakailan ng mga hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya sa iba’t-ibang lugar ng bansa, bumibilis ang pagpapanumbalik ng produksyon, bumubuti ang merkado, at umaahon ang kabuhayan ng Tsina.
Salin: Lito
Pulido: Rhio