Tsina sa Amerika: bumalik sa landas ng multilateralismo sa lalong madaling panahon

2022-12-16 11:01:26  CMG
Share with:

 

Disyembre 14, 2022, Geneva, Switzerland – Sa pulong ng World Trade Organization (WTO) para suriin ang polisyang pangkalakalan ng Amerika, binatikos ng Tsina, Unyong Europeo (EU), Rusya at iba pang kasapi ang Amerika sa paggigiit nito ng patakarang “America First,” pagbalewala sa regulasyon ng multilateral na kalakalan at pagsasagawa ng unilateralismo, pagpapasulong ng paghihiwa-hiwalay, at pagpapagulo ng pandaigdigang kadena ng industriya.

 

Kaugnay nito, sinabi Disyembre 15, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinakikita ng nasabing pagtutol na nasa puso ng mga tao ang katarungan.

 

Dapat aniyang iwasto ng Amerika ang kamalian, tupdin ang regulasyon ng WTO, totohanang pangalagaan ang kapangyarihan ng sistema ng multilateral na kalakalan, at bumalik sa landas ng multilateralismo sa lalong madaling panahon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio