Central Economic Work Conference, idinaos sa Beijing

2022-12-17 15:33:00  CMG
Share with:

 

Mula noong Disyembre 15 hanggang 16, 2022, idinaos sa Beijing ang taunang Central Economic Work Conference.

 

Sa kanyang talumpati sa pulong, binalik-tanaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang gawaing ekonomiko ng bansa sa kasalukuyang taon, inanalisa ang kasalukuyang kalagayang ekonomiko, at isinaayos ang gawaing ekonomiko sa susunod na taon.

 

Ipinalalagay ng pulong na di-karaniwan ang 5 taong nakaraan. Nitong 5 taong nakalipas, nakaranas ang Tsina sa maraming pagsubok na tulad ng pagbilis ng pagbabago ng kayariang pandaigdig, epekto ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at pagbaba ng pambansang kabuhayan, at mabisang naproteksyunan ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.

 

Nitong 10 taong nakalipas, natamo ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunang Tsino ang historikal na progreso.

 

Nitong nakaraang isang dekada, historikal na nalutas ng Tsina ang problema ng ganap na karalitaan, komprehensibong naitayo ang lipunang may katamtamang kasaganaan sa nakatakdang panahon, at nasa bago’t mas mataas na punto ng umpisa ang Tsina sa kasaysayan, diin sa pulong.

 

Tinukoy pa ng pulong na dapat pabutihin pa ang mga gawaing ekonomiko sa susunod na taon.

 

Una, dapat buong sikap na palawakin ang pangangailang panloob ng bansa; ikalawa, dapat pabilisin ang pagtatatag ng modernong sistemang industriyal; ikatlo, dapat buong tatag na patibayin at paunlarin ang state-owned enterprises (SOE) at buong tatag ding hikayatin at suportahan ang mga pribadong bahay-kalakal; ikaapat, dapat mas malakas na akitin at gamitin ang mga pondong dayuhan; ikalima, dapat mabisang pigilin at lutasin ang malaking panganib na ekonomiko at pinansiyal.


Salin: Lito

Pulido: Jade