Kooperasyon ng Tsina at mga bansang Gitnang Silangang Europeo, isusulong pa

2022-12-17 15:36:39  CMG
Share with:

 

Sa pamamagitan ng video link, bumigkas ng talumpati Disyembre 16, 2022 si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina sa Ika-17 China and Central and Eastern European Countries (CEEC) National Coordinators' Meetings.

 

Binalik-tanaw ni Wang ang kooperasyong Sino-CEEC nitong 10 taong nakalipas. Diin niya, may malalim na ugnayang historikal, pagkokomplemento ng bentahe ng pag-unlad, malakas na pangangailangan ng kooperasyon, at komong mithiin ng pag-ahon ang Tsina at CEEC. Ang kapwa panig aniya ay likas na magkatuwang.

 

Ayon sa pagkakasundo sa China-CEEC Beijing Summit na ginanap noong 2021, dapat pasulungin ng kapwa panig ang kanilang kooperasyon tungo sa mas matibay, koordinado, bukas, at kapaki-pakinabang na direksyon, ani Wang.

 

Kaugnay ng pagpapalalim ng ganitong kooperasyon, iniharap ni Wang ang 4 na mungkahi: una, dapat igiit ang pagkakaisa at pagkakaibigan; ikalawa, dapat igiit ang komon at balanseng kaunlaran; ikatlo, dapat igiit ang pagbubukas at pagkakaroon ng win-win result; ikaapat, dapat maging pragmatiko ang kooperasyon at kapaki-pakinabang sa kapwa panig.


Salin: Ernest

Pulido: Jade