Tsina, nagpaplanong itayo ang matalino at luntiang lohistikong sistema sa 2025

2022-12-17 15:38:00  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ng Konseho ng Estado ng Tsina ang kauna-unahang pambansang panlimahang-taong-plano tungkol sa modernong lohistika para mapabilis ang pagtatayo ng matalino at luntiang logistics system sa taong 2025.

 

Diin ng plano, dapat buong sikap na pasulungin ang kaligtasan ng industrial chain at supply chain, pabilisin ang konstruksyon ng modernong sistemang lohistiko, pabutihin ang kalidad, palakasin ang episiyensiya, at bawasan ang gastos ng modernong lohistika.

 

Para rito, itinatakda ng naturang plano ang gawain ng pamahalaan sa 6 na aspektong kinabibilangan ng pagpapabilis ng integrasyon ng logistics hub resources, pagtatayo ng mga pangunahing logistics channel sa loob at labas ng bansa, pagpapabuti ng service network ng modernong lohistiko, pagpapalaki ng halaga ng kadena o value chain ng mga serbisyong lohistiko, pagpapalakas ng garantiya ng serbisyo ng modernong lohistiko para sa pamumuhay ng mga mamamayan, at pagpapalakas ng katugong kakayahan ng modernong lohistiko sa mga pangkagipitang pangyayari.


Salin: Lito

Pulido: Jade