Tsina, mananatiling mabuting destinasyon ng pamumuhunan ng mga dayuhang kompanya

2022-12-17 15:34:28  CMG
Share with:

Ayon sa isang sarbey na isinagawa kamakailan ng German Chamber of Commerce in China at China-Australia Chamber of Commerce sa mga bahay-kalakal ng Alemanya at Australya sa Tsina, optimistiko ang nakakaraming respondent sa ibinibigay na pagkakataon at kanilang tubo sa Tsina.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 16, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang resulta ng naturang sarbey ay muling nagpapakita ng kompiyansa ng komunidad ng daigdig sa prospek ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.

 

Ani Wang, iginigiit ng Tsina ang pundamental na polisyang pang-estado ng pagbubukas sa labas, buong tatag na iginigiit ang estratehiya ng pagbubukas tungo sa pagkakaroon ng mutuwal na kapakinabangan at win-win result, isinusulong ang pagtatayo ng bukas na pandaigdigang kabuhayan, at walang patid na ipinagkakaloob ng Tsina ang mas mabuting kapaligirang pangnegosyo sa mga dayuhang mangangalakal para ang Tsina ay manatiling mabuting destinasyon ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng iba’t-ibang bansa.


Salin: Lito

Pulido: Jade