Pulong ng BWC, natamo ang positibong bunga

2022-12-19 16:02:38  CMG
Share with:


Geneva - Ipininid Disyembre 16 (local time), 2022 ang ika-9 na Review Conference of the Biological Weapons Convention (BWC). Ang BWC ay pormal na kilala bilang Convention on the Prohibition of the Development, Production and Stockpiling of Bacteriological (Biological) and Toxin Weapons and on Their Destruction.

 

Dumalo sa pulong ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Li Song, Embahador ng Tsina sa mga Suliranin ng Disarmamento.

 

Narating sa pulong ang pinal na dokumento kung saan ipinasiyang ibayo pang palakasin ang kabisaan ng BWC, pasulungin ang komprehensibong pagpapatupad ng kombensyon, at itatag ang working group para isagawa ang mga gawaing substansiyal sa mga aspektong gaya ng pagtalima sa kombensyon at pagsisiyasat, pandaigdigang kooperasyon, pagsusuring pansiyensiya’t panteknolohiya, at pagpapatupad ng mga kasaping bansa ng kombensyon, at talakayin ang mga hakbangin sa pagpapalakas ng kabisaan ng kombensyong ito.

 

Unibersal na ipinalalagay ng mga kalahok na sa kasalukuyang situwasyong pandaigdig, ang nasabing natamong bunga ng pulong ay mahalagang nakuhang progreso ng multilateral na pagsisikap nitong ilang taong nakalipas sa larangan ng pagkontrol sa armas at disarmament sa daigdig.

 

Matapos ang pulong, komprehensibong inilahad ni Embahador Li ang ibinigay na mahalagang ambag ng panig Tsino sa pagtatamo ng pulong ng positibong bunga.

 

Ani Li, sa panahon ng pulong, aktibong isinulong ng delegasyong Tsino ang pagkakaroon ng BWC ng bagong kasiglahan at pagpapatingkad ng  papel nito sa aspekto ng pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig at pagpapasulong ng komong kaunlaran.

 

Matatandaang marating ang BWC noong taong 1972, at nagkabisa noong 1975. Hanggang ngayo’y mayroon itong 184 na States Parties at 4 na  Signatory States. Sumapi sa kombensyon ang Tsina noong Nobyembre 15, 1984.

 

Unibersal na ipinalalagay ng komunidad ng daigdig na ang BWC ay sadigan ng pangangasiwa sa kaligtasang biolohikal sa buong mundo, at ang pagtatatag ng mekanismo ng pagsisiyasat ay kinakailangang paraan para sa paggarantiya sa kapangyarihan at kabisaan ng kombensyong ito.

 

Ngunit dahil sa unilateral na pagtutol ng Amerika noong 2001, suspendido hanggang ngayon ang talastasan tungkol sa protokol ng kombensyon.


Editor: Lito