Mas maginhawang pagpasok-labas sa Tsina, ipagkakaloob ayon sa situwasyon

2022-12-22 15:28:19  CRI
Share with:

Ipinahayag, Disyembre 21, 2022 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na alinsunod sa pag-usad ng situwasyon, ibibigay ng Tsina ang mas maraming ginhawa sa mga nagnanais lumabas at pumasok sa bansa.


Nitong 3 taong nakalipas, sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), iginigiit ng panig Tsino ang pandaigdigang kooperasyon tungo sa win-win na resulta, aktibong isinusulong ang pagbubukas sa mataas na lebel, at isinasagawa ang mga hakbangin para mapaginhawa ang pagpasok-labas ng mga tao, saad niya.


Ito aniya ay nakapagbibigay ng mahalagang ambag sa pangangalaga sa katatagan ng global industrial at supply chains.


Salin: Lito

Pulido: Rhio