Tsina, suportado ang hatol ng WTO laban sa Amerika

2022-12-23 23:10:26  CMG
Share with:

Ipinahayag ng Tsina ang suporta sa hatol ng World Trade Organization (WTO), na ilegal ang mga hakbangin ng Amerika kaugnay ng origin marking na isinasagawa nito sa mga paninda ng Hong Kong.

 

Sinabi, Disyembre 22, 2022, ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang posisyon ng Hong Kong bilang hiwalay na customs territory ay inaprobahan ng pamahalaan ng Tsina, nakalakip sa Basic Law of the Hong Kong Special Administrative Region of the People’s Republic of China, at itinakda batay sa multilateral na tuntunin ng WTO.

 

Hindi lamang ito ibinigay sa Hong Kong ng iisang miyembro ng WTO, diin niya.

 

Tinukoy din ni Mao, na sa naturang kaso, muling inabuso ng Amerika ang konsepto ng pambansang seguridad, at muling isinasapulitika ang mga suliranin ng kalakalan.

 

Ito aniya ay labag sa mga tuntunin ng WTO at hindi rin angkop sa sariling interes ng Amerika.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan