Pag-abot ng pangarap na pangkalawakan sa 2022

2022-12-23 14:02:57  CRI
Share with:


Ang 2022 ay importanteng taon sa pagtatatag ng Space Station ng Tsina, at ika-30 anibersaryo rin ng paglulunsad ng manned space project ng bansa.

 

Noong nakaraang taon, mabilis na sumulong ang usaping pangkalawakan ng Tsina.

 

Ipinakita nito ang malakas na kakayahang panteknolohiya ng bansa, at nagpapamalas ng masidhing hangarin ng mga Tsino sa eksplorasyong pangkalawakan.

 

Sa pamamagitan ng maikling video, halina’t sariwain natin ang mga natamong bunga ng usaping pangkalawakan ng Tsina sa 2022.

 

Timeline:

 

Pebrero 27, sakay ng Long March-8 Y2 carrier rocket, matagumpay na inilunsad ang 22 commercial satellite, at ito ang bagong rekord sa pagpapadala ng satellite sa kalawakan ng Tsina.

 

Abril 16, matagumpay na lumapag sa Mundo ang re-entry module ng Shenzhou-13 Manned Spacecraft.


Mayo 10, matagumpay na inilunsad ang Tianzhou-4 cargo spacecraft.

 

Hunyo 5, inilunsad ang Shenzhou-14 crewed spacecraft.

 

Hunyo, natapos ang kauna-unahang 1:2.5 million scale na heolohikal na mapa ng Buwan sa daigdig.

 

Hulyo 24, matagumpay na inilunsad ang Wentian lab module ng Tsina.

 

Agosto 4, inilunsad ng bansa ang kauna-unahang terrestrial ecosystem carbon monitoring satellite.

 

Setyembre 9, sa kauna-unahang pagkakataon ay natuklasan ng mga siyentipikong Tsino ang bagong mineral sa Buwan, at pinangalanan itong “Changesite-(Y).”

 

Oktubre 9, matagumpay na inilunsad ang Advanced Space-based Solar Observatory (ASO-S) na may nickname na Kuafu-1.

 

Oktubre 31, matagumpay na inilunsad ang Mengtian lab module ng Space Station ng Tsina.

 

Nobyembre 3, maalwang natapos ang transposisyon ng Mengtian lab module.

 

Nobyembre 12, makaraang matagumpay na ilunsad ang Tianzhou-5 cargo spacecraft, dumaong ito sa Space Station ng Tsina sa loob ng 2 oras.

 

Nobyembre 29, matagumpay na inilunsad ang Shenzhou-15 crewed spacecraft.

 

Nobyembre 30, nagtipun-tipon sa kalawakan ang mga tripulante ng Shenzhou-14 at Shenzhou-15 spacecraft.

 

Disyembre 4, sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng sangkatauhan, inuwi sa Mundo ng mga tripulante ng Shenzhou-14 ang mga punla ng palay na pina-usbong sa kalawakan.

 

Salin: Vera


Pulido: Rhio