Pamamahala sa COVID-19, paluluwagin ng Tsina

2022-12-27 15:53:12  CMG
Share with:

A resident receives COVID-19 vaccine in Dongguan City, south China's Guangdong Province, December 19, 2022. /CFP

 

Malaking pagbabago ang inanunsyo, Disyembre 26, 2022 ng Pambansang Komisyon ng Kulusugan ng Tsina (NHC) sa patakaran ng bansa laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Anito, ayon sa batas ng Tsina sa prebensyon at paggamot sa mga nakakahawang sakit, simula Enero 8, 2023, paluluwagin ang mga hakbang sa pamamahala sa COVID-19 mula Class-A infectious disease, tungo sa Class-B infectious disease.

 

Dagdag pa nito, aalisin din ang COVID-19 sa mga sakit na nangangailangan ng pagkuwarentina, alinsunod sa Frontier Health and Quarantine Law ng Tsina.

 

Ayon pa sa NHC, ang “novel coronavirus pneumonia” ay tatawagin bilang "novel coronavirus infection."

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio