Unang ensayo para sa 2023 Spring Festival Gala, sinimulan

2022-12-27 15:51:20  CMG
Share with:

Sinimulan, Disyembre 26, 2022, ang unang ensayo para sa 2023 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG).


 

Tampok ng gala ngayong taon ang maraming pagtatanghal na kinabibilangan ng sayaw, kanta, opera, akrobatika, iskit, maikling pelikula, at iba pa.

 

Ipapakita rito ang diwa ng pagsisikap ng mga mamamayan ng iba’t ibang nasyonalidad ng bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio