Napapanahong at buong pagbabayad ng sahod ng mga rural migrant workers, hiniling ng premiyer Tsino

2022-12-30 15:39:49  CMG
Share with:

Si Premiyer Li Keqiang ng Tsina (file photo)


Sa pulong ng pinamumunuang grupo ng Konseho ng Estado ng Tsina hinggil sa pagpigil sa atrasadong pagbabayad ng sahod sa mga migranteng manggagawa mula sa kanayunan, na idinaos Disyembre 29, 2022, hiniling ni Premiyer Li Keqiang, na tiyakin ang napapanahong at buong pagbabayad ng sahod ng mga rural migrant workers, at palakasin ang suporta sa mga manggagawang ito sa hanapbuhay.

 

Aniya, dapat palakasin ng mga may kinalamang awtoridad ang makakasamang pagpapatupad ng batas at imbestigasyon sa mga larangan kung saan madalas na nagaganap ang atrasadong pagbabayad ng sahod.

  

Sinabi rin ni Li na dapat ipagkaloob ng pamahalaan ang kompensasyon ng kawalang trabaho at tulong sa mga tao na mawalan ang trabaho o maharap sa kahirapan, para igarantiya ang pundamental na pamumuhay nila.

 

Salin:Sarah

Pulido:Frank