Sa Bisperas ng bagong taong 2023, isinahimpapawid ng China Media Group (CMG) ang talumpating pambagong taon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Narito ang buong teksto ng talumpati.
Mga kasamahan, kaibigan, binibini, at ginoo:
Mabuhay!
Mula sa Beijing, ipinapa-abot ko ang manigong bagong taon sa inyong lahat.
Sa taong 2022, matagumpay na idinaos ng Tsina ang Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC); inilahad ang plano para sa komprehensibong pagtatayo ng modernong sosyalistang bansa at inilabas ang blueprint ng pagpapasulong ng dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino sa pamamagitan ng modernisasyong Tsino; at pinasimulan ang pagpupunyagi sa makabagong proseso ng pag-unlad ng bansa.
Nanatili ang katayuan ng Tsina bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, malusog na lumaki ang kabuhayan, at tinatayang lalampas sa 120 trilyong yuan RMB ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng bansa.
Sa harap ng krisis ng pagkaing-butil sa buong mundo, naisakatuparan ng Tsina ang mabuting ani nitong nagdaang 19 na taong singkad, natamo ang progreso sa pag-ahon ng mga mahirap na populasyon, komprehensibong pinasulong ang pagpapaunlad ng kanayunan, isinagawa ang mga hakbangin upang makahulagpos sa kahirapan ang mga kompanya, at puspusang nalutas ang mga problema ng mga mamamayan.
Sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), palagiang iginigiit ng Tsina ang ideya ng pagpapauna sa kapakanan at buhay ng mga mamamayan, iginigiit ang siyentipikong pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, at napapanahong ini-optimisa ang mga kaukulang hakbangin ayon sa kalagayan.
Ang mga ito ay nagbigay-proteksyon, sa pinakamalaking digri, sa kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.
Di-natatakot sa mga kahirapan ang malawak na masa ng mga kadre, mga mamamayan at trabahante sa nakakababang unit, partikular ang mga tauhang medikal.
Sa pamamagitan ng kanilang puspusang pagsisikap, napagtagumpayan ng bansa ang pambihirang kahirapan at hamon.
Ngayo'y pumasok na sa bagong yugto ang pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.
Patuloy at buong sikap tayong magpupunyagi, at malapit na ang tagumpay.
Sa taong 2022, sumakabilang-buhay si kasamahang Jiang Zemin.
Hindi natin malilimutan ang ibinigay niyang ambag, at patuloy nating pahahalagahan ang handog niyang mahalagang kayamanang ispirituwal.
Dapat natin manahin ang kanyang iniwang hangarin upang walang patid na mapasulong ang sosyalistang usaping may katangiang Tsino.
Sa pamamagitan ng pagsisikap ng mga Tsino sa hene-henerasyon, nalikha ang kasalukuyang Tsina.
Ang kasalukuyang Tsina ay Tsinang nagsasakatuparan ng mga pangarap.
Sa taong 2022, matagumpay na idinaos ang Beijing Winter Olympics at Paralympics; magkakasunod na inilunsad ang Shenzhou-13, Shenzhou-14, at Shenzhou-15; komprehensibong naitayo ang China Space Station; sinalubong ng People’s Liberation Army ang ika-95 kaarawan; inilunsad sa dagat ang ika-3 aircraft carrier na Fujian; pormal na idiniliber ang malaking eroplano na C919… Ang mga ito ay dahil sa sakripisyo ng di-mabilang na mga tao. Ito ay ang tunay na puwersang Tsino.
Ang kasalukuyang Tsina ay napakasiglang Tsina.
Masiglang umuunlad ang iba't-ibang free trade pilot zone at Hainan free trade port; sumusulong ang inobasyon sa mga rehiyon sa baybaying-dagat; mabilis na umaahon ang gitna at kanlurang rehiyon; umuunlad ang hilagang silangang rehiyon; at yumayaman ang mga mamamayan sa mga lugar-hanggahan.
May malakas na pleksibilidad, malaking potensyal, at di-masukat na kasiglahan ang kabuhayang Tsino.
Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng kompiyansa at patuloy na pagsusulong, tiyak na maisasakatuparan ang itinakda nating hangarin.
Sa taong 2022, pumunta ako sa Hong Kong at nakita ko ang kasaganaan nito.
Kung buong tatag na ipapatupad ang patakarang Isang Bansa, Dalawang Sistema, tiyak na makakamtan ang pangmalayuang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong at Macao.
Ang kasalukuyang Tsina ay Tsinang nagmana sa diwa ng isang matatag na nasyon.
Tayo'y nalulungkot dahil sa mga likas na kapahamakan at aksidente sa taong 2022 na tulad ng lindol, baha, tagtuyot, at sunog sa bundok.
Ang pagmamahal sa kapuwa at kabayanihang ipinamalas ng maraming Tsino ay naka-ukit sa ating puso. Hindi natin kailanman malilimutan ang kanilang kabayanihan.
Ang kasalukuyang Tsina ay Tsina na mahigpit na nakikipag-ugnayan sa daigdig.
Sa taong 2022, sinalubong ko sa Beijing ang maraming bago at matagal nang kaibigan.
Lumabas din ako sa bansa upang ilahad ang paninindigang Tsino.
Ngayo'y bumibilis ang pagbabago sa situwasyon, at maligalig ang daigdig.
Tulad ng dati, minamahal ng Tsina ang kapayapaan at kaunlaran, pinahahalagahan ang mga kaibigan at katuwang, buong tatag na tumatayo sa tamang tabi ng kasaysayan at kumakatawan sa progreso ng sibilisasyon ng sangkatauhan.
Ito ay para puspusang makapagbigay ng katalinuhan at planong Tsino para sa kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan.
Matapos ang Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, nagpunta ako at mga kasamahan sa Yan'an para balik-tanawin ang napakalaking kahirapan sa panahon ng Yan'an at maluningning na kasaysayang ng Komite Sentral ng CPC, at damdamin ang diwa ng mga beteranong miyembro ng CPC.
Madalas kong sinasabi, na sa isandaang taong nakalipas, nakahulagpos ang CPC sa napakaraming kahirapan at hamon, at ito'y tunay na napakahirap at napakadakilang proseso.
Tulad ng dati, dapat buong lakas tayong magpunyagi para maging mas mabuti ang kinabukasan ng Tsina.
Sa Tsina ng kinabukasan, malilikha ng pagpupunyagi ang isang himala.
Sa pamamagitan ng ating puspusang pagsisikap, magiging makatotohanan ang ating dakilang hangarin.
Sa Tsina ng kinabukasan, ang puwersa ay magmumula sa pagkakaisa.
Ang Tsina ay malaking bansa, iba't-iba ang kahilingan ng mga tao, at ito ay normal lamang.
Dapat pagtipun-tipunin ang komong palagay sa pamamagitan ng pagsasanggunian at pagkokoordinahan, dahil kung magkakaisa at magtutulungan ang mahigit 1.4 bilyong Tsino, magagawa ang anumang bagay at mapagtatagumpayan ang anumang kahirapan at hamon.
Magkapamilya ang magkabilang pampang ng Taiwan Strait – taos-puso akong umaasang magtutulungan ang mga magkababayan sa magkabilang pampang upang magkasamang malikha ang pangmatagalang kapakanan ng Nasyong Tsino.
Sa Tsina ng kinabukasan, ang pag-asa ay nakasalalay sa mga kabataan.
Kung masigla ang kabataan, masigla ang bansa.
Ang pag-unlad ng Tsina ay nasa balikat ng malawak na masa ng mga kabataan, kaya dapat lubos nilang ihasik ang damdamin ng pamilya at estado, payamanin ang karakter sa pag-unlad, at magpunyagi mula sa murang edad.
Sa oras na ito, abala pa ring nagtatrabaho ang maraming tao.
Maraming maraming salamat sa inyong kasipagan!
Malapit nang tumunog ang kampana para sa bagong taon.
Taglay ang magandang pangarap sa kinabukasan, magkakasama nating salubungin ang unang araw ng taong 2023.
Nawa'y maging masagana't mapayapa ang bansa, maging ligtas ang mga mamamayan, at maging matiwasay't masuwerte ang daigdig.
Manigong Bagong Taon sa inyong lahat.
Salamat.