Papel ng Tsina para sa seguridad ng pagkaing-butil sa buong daigdig

2022-12-31 16:23:43  CRI
Share with:

Hanggang nagdaang Nobyembre, ang populasyong pandaigdig ay umabot sa 8 bilyon. Pero para sa bahagi ng buong sangkatauhan, kinakaharap nila ang banta ng gutom.


Ayon sa datos ng Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO), ang bilang ng populasyon sa buong daigdig na kinakaharap ang hamon ng pagkulang sa pagkaing-butil ay tumaas sa 345 milyon mula 135 milyon noong nagdaang dalawang taon at sumasaklaw sila sa 82 bansa.


Ang sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine na sumiklab nagdaang Pebrero at mga sangsyon ng Amerika at bansang Europeo sa Rusya ay ibayo pang nakapinsala sa kadena ng industriya at pagsuplay ng pagkaing-butil sa buong daigdig. Ang mga bansang may mababang kita ay hindi kayang bumili ng pagkaing-butil dahil sa malaking pagtaas ng presyo ng pagkaing-butil.


Ang problema ng gutom ay nagiging malubhang hamon para sa eksistensya ng buong sangkatauhan.

Bukirin ng palay sa lunsod Panjin, probinsyang Liaoning ng Tsina. 

May 1.4 bilyong populasyon ang Tsina at bilang naghaharing partido ng bansang ito, palagiang inilalagay ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang isyu ng pagkaing-butil sa paunang puwesto.


Sa pamamagitan ng pagsisikap noong mahabang panahon, matagumpay na nilutas ng Tsina ang isyu ng pagkaing-butil. Sa kasalukuyan, Tsina ang pinakamalaking bansang nagpoprodyus ng pagkaing-butil at ikatlong pinakamalaking bansang nagluluwas ng pagkaing-butil.

Sunrise sa bukirin ng palay sa lunsod Chongqing, Tsina.

Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, ang output ng pagkaing-butil ng Tsina sa taong 2022 ay umabot sa 686.53 milyong tonelada na lumaki ng 3.68 milyong tonelada kumpara sa taong 2021. Ang karaniwang output ng pagkaing-butil ng bawat mamamayang Tsino ay umabot sa 483 kilogram na lumampas sa 400 kilogram kung ano ang istandard ng seguridad ng pagkaing-butil na kinilala ng daigdig.


Ang isang masusing dahilan ng paggarantiya ng Tsina sa seguridad ng pagkaing-butil ay lubos na pagpapahalaga ng pamahalaang Tsino sa paghubog ng mga high-yield seed, na gaya ng hybrid rice.


Noong 1973, nilutas ng Tsina ang isyu ng hybrid rice at isinakatuparan ng malaking pagtaas ng output ng mga palay. Ito ay nakakatulong nang malaki sa paggarantiya ng seguridad ng pagkaing-butil sa Tsina.

Sa pagbisita ni Yuan Longping (sa ginta) sa Pilipinas noong 2003, magkasamang ipinagdiwang nila ni Santiago Obien (sa kaliwa), Puno ng Instituto ng Pananaliksik sa Palay sa Pilipinas, ang matagumpay na pagtatanim ng super tropical hybrid rice sa Pilipinas.

Samantala, aktibong nagkaloob ang Tsina ng teknolohiya ng hybrid rice sa ibang mga bansang kinabibilangan ng Pilipinas para tulungan sila sa paglutas sa isyu ng pagkaing-butil.


Sapul noong 1979, malawak na itinanim ang hybrid rice sa halos 70 bansa at ang saklaw ng pagtatanim kada taon ay umabot sa 8 milyong hektarya.


Bukod dito, isinagawa ng Tsina ang pagpapalitan ng teknolohiya ng agrikultura sa mahigit 140 bansa at rehiyon para tulungan ang pag-unlad ng agrikultura at paglaki ng output ng pagkaing-butil ng naturang mga bansa at rehiyon.

Noong Abril 2022, tinatanggap sa Kabul ng mga mamamayang Afghani ang mga pagkaing-butil na donasyon ng Tsina.

Sa Global Development Initiative (GDI) na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina noong 2021, inilagay ng Tsina ang seguridad ng pagkaing-butil bilang isa sa walong mahalagang larangan ng kooperasyong pandaigdig.


Sa G20 Summit noong nagdaang Nobyembre sa Bali Island ng Indonesia, tinukoy ni Xi na ang kasalukuyang krisis ng pagkaing-butil at enerhiya ay nagmula sa problema ng supply chain at pagkakahadlang sa kooperasyong pandaigdig.


Iniharap ni Xi na dapat magkakasamang igarantiya ang kaayusan ng supply chain at katatagan ng presyo sa pamilihan at tutulan ang pagsasapulitika at pagsasandata ng isyu ng enerhiya at pagkaing-butil.


Kamakailan, nanawagan din si António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) sa iba’t ibang bansa na ibayo pang pahigpitin ang kooperasyon at isagawa ang aktibong aksyon para isakatuparan ang target ng UN sa pagpawi ng gutom sa taong 2030.


Bilang tugon sa kasalukuyang problema ng pagkaing-butil sa daigdig, ipinahayag ni Xi na kasama ng komunidad ng daigdig, nakahanda ang Tsina na magkakasamang pasulungin ang GDI, pahigpitin ang kooperasyon sa seguridad ng pagkaing-butil at pagpawi ng kahirapan, at pabilisin ang pagsasakatuparan ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio

Web Editor: Lito