2023 CMG Spring Festival Gala, narito na!

2022-12-31 12:55:11  CMG
Share with:

Apatnapung (40) taon matapos itong maipakilala, kinilala ng Guinness World Records ang Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG) bilang pinakapinapanood na programang pantelebisyon sa daigdig, at isa nang integral na bahagi ng selebrasyon ng Pestibal ng Tagsibol para sa lahat ng Tsino sa buong mundo.

 

Halina’t kalugdan ang prosperidad at karingalan ng 5,000 taong sibilisasyon, ramdamin ang diwa’t pag-asa ng mga mamamayang Tsino, at ibahagi ang mabuting hangarin ng milyun-milyong pamilya para sa bagong taon.

 

Ipapakita sa 2023 Spring Festival Gala ang iba’t-ibang pagtatanghal tulad ng mga awit, sayaw, dula-dulaan, opera, at iskit pangkomedya na naglalahad ng kasiyahan, kompiyansa at bagong anyo ng Tsina sa bagong panahon.

 

Ibabahagi ng CMG ang mga makapag-init-damdaming kuwento para sa masayang pagdiriwang ng Pestibal ng Tagsibol.

 

Saan mang sulok ng mundo ka man naroroon, panoorin ang pinakamalaking ekstrabagansa sa telebisyon ng taon.

 

Isasahimpapawid ang 2023 CMG Spring Festival Gala, alas otso ng gabi (8:00pm), Enero 21, 2023.

 

Kita-kits!

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio/Jade

Video Editor: Kulas