“Makalangit na kabayo,” pinapastol sa maniyebeng damuhan ng Xinjiang

2022-12-31 17:26:53  CMG
Share with:


Ang Zhaosu County, Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang, sa gawing hilagang kanluran ng Tsina ay tanyag bilang tahanan ng mga Kabayong Ili, o mas kilala bilang Tianma, na nangangahulugang “makalangit na kabayo.”

 

Dahil sa Taglamig, maniyebe ang mga damuhan sa Zhaosu County.

 

Magkagayunman, iginagala’t pinapakain pa rin ng mga pastol ang libu-libong Tianma sa maniyebeng damuhan.

 

Ang kagila-gilalas na tanawin ng mga Tianma sa nagniniyebeng damuhan ay isang maringal na pagsalubong sa bagong taon.

 

Bukod sa pagpapastol, marami rin ang makukulay na kaugalian sa lokalidad.

 

Kabilang dito ay karera ng mga kabayo sa pagitan ng mga babae at lalaking pastol.

 

Ang “agawan ng tupa” ay isa pang tradisyonal na laro habang nakasakay sa kabayo, at tinatawag din itong “palakasan ng matatapang sa damuhan.”

 

Salin / video editor: Vera

 

Pulido: Rhio