Ipinadala Huwebes, Enero 6, 2022 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Gurbanguly Berdymukhamedov ng Turkmenistan ang mensahe sa isa’t-isa bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Xi na nitong 30 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Turmenistan, natupad ang napakalaking pag-unlad.
Ito aniya ay hindi lamang nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, kundi nakakapagbigay rin ng mahalagang ambag sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.
Diin pa niya, tulad ng dati, patuloy at buong tatag na kakatigan ng panig Tsino ang panig Turkmen sa pagtahak ng landas na angkop sa sarili nitong kalagayang pang-estado.
Ipinahayag naman ni Berdymukhamedov na lubos niyang pinahahalagahan ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina.
Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magsikap kasama ng Tsina upang mapasulong pa ang relasyong Turkmen-Sino.
Salin: Lito
Pulido: Rhio