Matagumpay na sinubok-lunsad Enero 5, 2022, ng Hilagang Korea ang isang hypersonic misayl, ayon sa ulat Enero 6, 2022 ng Korean Central News Agency.
Ayon dito, matagumpay na natumbok ng naturang misayl ang nakatakdang target pagkatapos ng 700 kilometrong paglipad.
Saad ng ulat, ito ang ikalawang beses nang matagumpay na sinubok-lunsad ng Hilagang Korea ang hypersonic misayl.
Dagdag nito, ang sunud-sunod na matagumpay na paglulunsad ng hypersonic misayl ay "mayroong estratehikong katuturan sa pagpapabilis ng moderanisasyon ng sandatahang lakas ng bansa."
Salin:Sarah
Pulido:Rhio